EDUKASYON AT KAHIRAPAN SA KABATAAN
Sa ating panahon ngayon marami ng mga kabataan ay
naghihirap sa pag-aaral. Marami sa mga kabataan din ay hindi na naka pokus sa
kanilang pag-aaral dahil nga sa kahirapan na kanilang kabuhayan at iba din ay
nagtitigil sa pag-aaral dahil nga sa kakulangan na pinansya sa pamilya kaya ang
iba ay namamasok nalang mag trabaho sa maaga na edad. At iba sa mga kabataan
ngayon ay ilan sa kanila ay nakatira sa kalye at naglilimos ng pera para lang
makapag-aral sila. Maaaring isa ang kahirapan sa
malaking dahilan kung bakit maraming mahihirap na mag-aaral ang hindi
nakpagtatapos ng kanilang pag-aaral. Ang kabataan ay natatanging pag-asa
sa kasaysayan natin.
Sa ating lipunan maraming
mga paaralan ay tumanggap na libreng edukasyon kaya ilan sa mga kabtaan natin
ngayon ay nakapag aral din at iba hindi dahil nga sa kahirapan. Kung nanaisin at gugustuhin ng isang mag-aaral ay
matutupad nya ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral na magiging
sandigan niya sa pagharap sa tunay na buhay. Maging masipag at matiyaga lamang
at alisin sa katawan at isipan ang katamaran ay hindi imposibleng matupad niya
ang makapagtapos ng kanyang pag-aaral. Iba sa mga kabataan ngayon ay
hindi nga pumasok kasi ang ilan ay mayaman at kaya nilang bayaran ang paaralan
kahit sa totoo ito ay mamahalin. At sa mga larawan ito ay ang halimbawa ng mga
kabataan ay naghihirap sa pag-aral dahil nga malayo sa tirahan sa paaralan,
kakulang ng pera at kulang ng materyales sa paaralan. Dapat ang mga kabataan ay
dapat bigyan ng edukasyon para makatulong sila sa kanilang kabukasan at
pamilya.
Dapat ang
kabataan ngayon bigyang libreng mahalagang edukasyon para sa kanilang
kinabukasan kaya sabi nga nila na ang kabataan daw ay ang pag-asa sa ating
lipunan dahil sa kanilang mga magagandang nabigay na maayos sa pananaw sa ating
lipunan. Maraming paraang ang puwedeng magawa nang hindi gagawa ng masama.
Ipokus lamang ang kaisipan sa magagandang bagay na magsisilbing motibasyon niya
sa kanyang pag-aaral ay tiyak na makararating siya sa kanyang paroroonan. Ang
edukasyon nga sa kabataan ay importante dahil nga ang kanilang mga pangarap ay
matupad at maitulongan nila ang kanilang pamilya at sa kanilang kinabukasan.
SOURCES:
No comments:
Post a Comment