Wednesday, February 28, 2018

EDUKASYON AT KAHIRAPAN SA KABATAAN


EDUKASYON AT KAHIRAPAN SA KABATAAN


Sa  ating panahon ngayon marami ng mga kabataan ay naghihirap sa pag-aaral. Marami sa mga kabataan din ay hindi na naka pokus sa kanilang pag-aaral dahil nga sa kahirapan na kanilang kabuhayan at iba din ay nagtitigil sa pag-aaral dahil nga sa kakulangan na pinansya sa pamilya kaya ang iba ay namamasok nalang mag trabaho sa maaga na edad. At iba sa mga kabataan ngayon ay ilan sa kanila ay nakatira sa kalye at naglilimos ng pera para lang makapag-aral sila. Maaaring isa ang kahirapan sa malaking dahilan kung bakit maraming mahihirap na mag-aaral ang hindi nakpagtatapos ng kanilang pag-aaral. Ang kabataan ay natatanging pag-asa sa kasaysayan natin.


                                                                                        

Sa ating lipunan maraming mga paaralan ay tumanggap na libreng edukasyon kaya ilan sa mga kabtaan natin ngayon ay nakapag aral din at iba hindi dahil nga sa kahirapan. Kung nanaisin at gugustuhin ng isang mag-aaral ay matutupad nya ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral na magiging sandigan niya sa pagharap sa tunay na buhay. Maging masipag at matiyaga lamang at alisin sa katawan at isipan ang katamaran ay hindi imposibleng matupad niya ang makapagtapos ng kanyang pag-aaral. Iba sa mga kabataan ngayon ay hindi nga pumasok kasi ang ilan ay mayaman at kaya nilang bayaran ang paaralan kahit sa totoo ito ay mamahalin. At sa mga larawan ito ay ang halimbawa ng mga kabataan ay naghihirap sa pag-aral dahil nga malayo sa tirahan sa paaralan, kakulang ng pera at kulang ng materyales sa paaralan. Dapat ang mga kabataan ay dapat bigyan ng edukasyon para makatulong sila sa kanilang kabukasan at pamilya.




Dapat ang kabataan ngayon bigyang libreng mahalagang edukasyon para sa kanilang kinabukasan kaya sabi nga nila na ang kabataan daw ay ang pag-asa sa ating lipunan dahil sa kanilang mga magagandang nabigay na maayos sa pananaw sa ating lipunan. Maraming paraang ang puwedeng magawa nang hindi gagawa ng masama. Ipokus lamang ang kaisipan sa magagandang bagay na magsisilbing motibasyon niya sa kanyang pag-aaral ay tiyak na makararating siya sa kanyang paroroonan. Ang edukasyon nga sa kabataan ay importante dahil nga ang kanilang mga pangarap ay matupad at maitulongan nila ang kanilang pamilya at sa kanilang kinabukasan.



SOURCES: